Kahit iilan na lang, Maute group may ‘resistance’ pa rin-AFP

By Jay Dones September 17, 2017 - 10:44 PM

 

Hindi pa rin ganap na humihinto ang puwersa ng Maute group sa paglaban sa mga sundalo kahit halos masukol na ito sa maliit ng lugar sa Marawi City.

Ayon kay Col. Romeo Brawner, deputy commander ng Joint Task Force Marawi, nananatili ang ‘resistance’ sa panig ng teroristang grupo kahit unti-unti na ang pag-atras ng mga ito.

Bilang patunay, matapos aniyang mabawi ang Bato mosque, muling nagkasagupa ang mga sundalo at terorista ngayong Linggo.

Patuloy pa rin aniyang nakakadiskubre ng mga improvised explosive device ang mga sundalo sa mga lugar na iniiwan ng mga terorista.

Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 40 hanggang 60 pang mga residente ng Marawi ang nananatiling hostage ng grupo.

Ito’y matapos ligtas na mabawi sa kamay ng grupo si Father Chito Suganob at isa pang hostage Linggo ng umaga.

Nananatili na lamang sa 15 hanggang 20-ektaryang lugar ang nalalabing Maute members, ayon kay Brawner.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.