Anti-Duterte rally sa Sept. 21 tiniyak na magiging mapayapa

By Den Macaranas September 16, 2017 - 10:05 AM

Hindi pagmumulan ng kaguluhan ang gaganaping mga kilos-protesta sa September 21 na pangungunahan ng grupong Movement Against Tyranny.

Sa isang panayam, sinabi ni ACT Partylist Rep. Antonio Tinio na hindi rin nila hahayaan na masaktan ang kanilang mga kasapi sakaling magkaroon ng kaguluhan.

Binanggit pa ni Tinio na isa rin sa mga convenor ng grupo na gumagawa lamang ng senaryo ang pamahalaan para panghinaan ng loob ang ilang mga gustong sumama sa kilos-protesta na kanilang gagawin kasabay ng 45th anniversary ng martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Hindi na rin umano sila dapat takutin dahil beterano na sila sa mga malalaking rally kahit noong wala pa sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinaliwanag rin ni Tinio na kabilang sa mga isyung kanilang isisigaw sa September 21 ay ang napipintong pag-abswelto sa Pamila Marcos, patuloy na pakikialam ng U.S sa ating bansa at ang dumaraming kaso ng extrajudicial killings sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Bukod sa Metro Manila, sinabi ni Tinio na may mga kilos-protesta rin na gagawin sa ilang mga pangunahing lungsod sa Visayas at Mindanao.

TAGS: ACT, duterte, ejk, Marcos, movement against tyranny, Rally, sept. 21, tinio, ACT, duterte, ejk, Marcos, movement against tyranny, Rally, sept. 21, tinio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.