Walang matibay na ebidensya na si Jinggoy Estrada ang main plunderer – Sandiganbayan

By Rohanisa Abbas September 16, 2017 - 03:22 AM

Walang matibay na ebidensya na nagpapatunay na si dating senador Jinggoy Estrada ang “main plunderer” sa pork barrel scam.

Batay sa resolusyong inilabas ng Sandiganbayan Fifth Division, ipinahayag ng korte na ang ipinapakita ng mga impormasyon ay tila ang inaakusahang mastermind na si Janet Lim-Napoles ang “main plunderer” at hindi si Estrada.

Paliwanag ng korte, bagaman may mga ebidensya na mayroong iregularidad sa disbursement ng Priority Development Assistance Fund allocations ni Estrada, hindi ito matibay na ebidensya na siya ang pangunahing plunderer batay sa plunder law.

Dahil dito, pinayagan ng korte na maglagak ng piyansa ang dating senador.

Itinakda ang 1,000,000 pisong piyansa para sa kasong plunder na kinakaharap ni Estrada, at 330,000 piso para sa 11 bilang ng kasong graft.

TAGS: bail, graft, jinggoy estrada, plunder, sandiganbayan, bail, graft, jinggoy estrada, plunder, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.