LOOK: Mga kanseladong flights ngayong araw ng Biyernes, Sept. 15

By Isa Avendaño-Umali September 15, 2017 - 09:49 AM

 

Kanselado ang ilang flights ngayong araw dahil sa sama ng panahon.

Sa advisory ng Manila International Airport Authority o MIAA, kabilang sa mga cancelled flight ay ang ilang biyahe ng Philippine Airlines na:

– 2P 2084 o Manila to Basco, Batanes

– 2P 2085 o Basco, Batanes to Manila

Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na tumawag sa airline company para sa rebooking o refund.

Batay sa PAGASA, isang intertropical convergence zone o ITCZ sa loob ng Philippine Area of Responsibility ang nakakaapekto sa Mindanao at Eastern Visayas.

Bunsod ng weather system, makararanas ng moderate rainshowers at thunderstorms ang Palawan, habang ang Luzon kasama na ang Metro Manila ay magkakaroon ng fair weather, na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Habang ang iba pang parte ng Visayas ay makararanas ng isolated rainshowers at thurderstorms.

Ayon sa PAGASA, patuloy pa rin ang kanilang pagmonitor sa Typhoon Talim, na nasa labas ng PAR.

TAGS: NAIA, NAIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.