Cargo vessel na may pekeng special permit, hinuli ng Customs

By Kabie Aenlle September 14, 2017 - 04:33 AM

 

Isang cargo vessel na gumagamit umano ng pekeng special permit ang hinarang at kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC).

Ayon sa BOC, hinihinalang peke ang gamit na special permit ng cargo vessel para makapag-operate sa Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East Asiang Growth Area (BIMP-EAGA).

Tinukoy ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang may-ari ng vessel na Villa Shipping Lines Inc., na sinasabing gumamit ng pangalang M/V Jake Seis para lang makamit ang pribilehiyo sa BIMP-EAGA na hindi pagbabayad ng buwis at mga bayarin.

Ang nasabat na barko ay may bitbit na mga kargamentong may katumbas na P35 bilyong halaga ng bayarin at buwis.

Ayon kay Customs Intelligence Officer Alvin Enciso, hininingan nila ang mga tripulante ng patunay na nakapagbayad sila ng mga duties and taxes para sa kanilang mga kargamento, ngunit walang naipresenta ang mga ito.

Laman nito ang 1,450 metric tons ng kopra mula sa Indonesia na dadalhin sa Davao Bay Coconut Oil Mills sa Misamis Oriental.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.