‘Corrected By’

June 08, 2015 - 07:20 AM

deped logo
DepEd Photo

Matagal nang naituwid ng Department of Education ang diumano’y mga mali o “error”  sa ilang nilalaman ng mga textbook sa mga public schools.

Kasunod ito ng pahayag ng isang academician na mahigit isang libo ang nakita niyang pagkakamali sa textbook na inilabas ng DepEd para sa Grade 10 students.

Ipinaliwanag ni Education Assistant Secretary Jesus Mateo na ang nabasa ng Academic Supervisor ng Marian School Quezon City na si Antonio Calipjo Go ay draft copy at hindi ang published copy ng mga textbook.

Napag-alaman kay Mateo na matagal nang kinakausap ng DepEd si Ginoong Go para maging “reviewer” sa kanilang textbooks.

Nilinaw din ni Mateo na bukas naman ang kagawaran sa anumang puna para maituwid ang ilang pagkakamali. / Jimmy Tamayo


 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.