Limang magkakasunod na aberya naitala sa MRT

By Dona Dominguez-Cargullo September 13, 2017 - 08:18 AM

(UPDATE) Limang magkakasunod na aberya ang naranasan ng mga pasahero sa Metro Rail Transit (MRT).

Una nakapagtala ng dalawang halos magkasabay na aberya sa magkaibang istasyon, kung saan isang minuto lang ang pagitan ng aberya na nangyari sa Santolan Anapolis station at sa Boni-Shaw Boulevard stations.

Naitala ang unang aberya alas 7:12 ng umaga kung saan pinababa ang mga pasahero sa Santolan Anapolis Southbound.

Ito ay makaraang makaranas ng technical problem ang isang tren at itinaas sa category 3 ang status ng biyahe.

Alas 7:13 naman ng umaga nang pababain din ang mga pasahero sa pagitan ng Boni at Shaw stations Northbound dahil din sa technical problem.

Alas 8:15 naman ng umaga, pinababa rin ang mga pasahero sa Magallanes station northbound.

At alas 8:22 ng umaga, ang mga pasahero naman sa Boni station southbound ang pinababa.

Ang ikalimang aberya ay naitala muli sa Boni station, at sa pagkakataong ito, nagpababa ng mga pasahero sa northbound alas 9:11 ng umaga, dahil pa rin sa isang tren na nakaranas ng technical problem.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: dotr, Metro Rail Transit, MRT, Radyo Inquirer, technical problem, dotr, Metro Rail Transit, MRT, Radyo Inquirer, technical problem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.