Lalaki, pinagbabaril sa kaniyang tahanan sa Caloocan matapos mapa-away

By Kabie Aenlle September 13, 2017 - 04:08 AM

 

Patay ang isang 22-anyos na lalaki matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek, sa loob mismo ng kaniyang tahanan sa Bagon Barrio, Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si Mark Jessy Cruz.

Naaktuhan naman sa CCTV footage ang nasabing pamamaril na ginawa ng suspek habang nakikipag-inuman si Cruz sa kaniyang mga kaibigan.

Matapos barilin si Cruz nang ilang beses, agad na tumakas ang suspek papunta sa kaniyang kasabwat.

Ayon sa kaniyang ama, may nakaaway umano ang mga kaibigan ni Cruz sa may kanto ng Tirona at EDSA bago ang nangyaring pamamaril.

Pinuntahan umano ng mga kaibigan niya si Cruz, at saka sila sama-samang bumalik sa pinangyarihan ng iringan at doon na napaaway.

Mariin ring iginiit ng ama ni Cruz na hindi ito gumagamit ng iligal na droga, pero sinabi niya sa pulis na may ideya na sila kung sino ang gumawa nito sa kaniyang anak.

Naniniwala naman ang pulisya na mabilis mareresolba ang kaso ng pagpatay kay Cruz lalo’t may alam na detalye ang kaniyang pamilya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.