Duterte sa pagpasok sa Grand mosque ng nakasapatos: “Maraming bubog sa loob”

By Jay Dones September 13, 2017 - 04:09 AM

 

Dumepensa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpuna ng ilang Muslim sa pagpasok nito at ng kanyang mga kasamahan sa loob ng Grand Muslim Mosque sa Marawi City nang nakasapatos.

Bukod sa pangulo, binatikos rin ng ilang Muslim ang pagsama ni Assistant Secretary Mocha Uson sa grupo ng pangulo at pagpasok sa grand mosque nang walang suot na hijab.

Paliwanag ng pangulo nang dumalaw ito sa burol ng dalawang nasawing sundalo sa Marawi, batid niya ang kagawian ng mga Muslim sa pagpasok sa mga mosque.

Gayunman, sa kanilang pagbisita aniya sa Mosque sa Marawi, maraming mga debris at bubog sa sahig kaya’t hindi nila nagawang alisin ang kanilang mga sapatos.

“I respect Islam, it was not meant to disrespect or dishonor, ayoko lang matinik, pati ang lahat. Pag nasugatan kaming matatanda na ***ina, ang tagal mag-heal.” Paliwanag pa ni Pangulong Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.