2018 national budget, lusot na sa 2nd reading sa Kamara
Aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang P3.767 trilyong pambansang budget.
Tinapos na ni Majority Leader Rudy Fariñas ang plenary debates at period of amendment, at nag-move rin para sa pagbuo ng komite na tatanggap ng individual amendments na isusumite ng mga mambabatas.
Binigyan lamang ni Fariñas ang mga mambabatas ng bago mag-Biyernes para isumite ang kanilang mga individual amendments.
Kasunod nito ay inaprubahan na ng Kamara by viva voce ang House Bill 6215 o ang national budget bill na sinertipikahan na bilang urgent ni Pangulong Duterte.
Oras na sertipikahang urgent ng pangulo ang isang panukala, maari na itong maipasa sa ikalawa o ikatlong pagbasa sa iisang araw ng sesyon.
Ang panukalang 2018 national budget ay mas mataas ng 12.84 percent mula sa 2017 budget na P3.35 trillion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.