CHR binigyan ng Kamara ng P1,000 budget sa 2018
Bumuto ang Kamara na bigyan ng P1,000 na budget ang Commission on Human Rights (CHR) sa susunod na taon.
Sa house budget plenary debates, inaprubahan ng 199 na kongresista ang P1,000 budget para sa CHR habang 32 ang tumutol.
Bago nito ay nagbanta na si House Speaker Pantaleon Alvarez na P1,000 lang ang magiging sunod na pondo ng ahensya, taliwas sa panukalang CHR budget na P649.484 million, kabilang na ang retirement at life insurance program.
Ang CHR ay hayagang bumabatikos sa war on drugs ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil sa P1,000 na budget, magiging hindi na epektibo ang CHR sa operasyon nito sa 2018.
Sa isang panayam ay sinabi ni Alvarez na deserve ng CHR ang maliit na pondo dahil umano sa pagiging walang kwentang ahensya at sa pagtatanggol ng karapatan ng mga criminal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.