Laguna, isa sa mga sinalanta ng Bagyong Maring

By Jan Escoio, Rod Lagusad September 12, 2017 - 10:08 PM

Kuha ni Jan Escosio

Patuloy na pinaghahanap ang limang katao matapos maanod sa Calamba, Laguna.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, patuloy pang bineberipka ang isa pang katao na sinasabing kasama sa mga nawawala dahil wala pang nakukuhang pangalan nito.

Kuha ni Jan Escosio

Ayon naman kay Rommel Palacol, Head ng Laguna Action Center ay nagkaroon tayo mga landslide sa bayan ng Cavinti at Calauan na mga minor lamang.

Kaugnay nito, may jeep naman na nahagip ng landslide sa Nagcarlan pero wala namang nasaktan sa mga pasaherong sakay nito.

Kuha ni Jan Escosio

Ayon kay Palacol as of 4:30 pm nasa 1,360 families o 3,475 na mga indibidwal sa ibat-ibang mga evacuation center sa Laguna.

Nanatiling wala pang kumpirmadong patay sa pananalasa ng bagyo sa lalawigan.

Patuloy aniya ang ugnayan kay Gov. Ramil Hernandez kaugnay ng pagtutok sa mga pangayayri sa lalawigan katuwang ang Laguna PDRRMO, Laguna Action Center, Laguna Command and Control Center kung saan nakakalat ang mga CCTV.

TAGS: Bagyong Maring, flashflood, laguna, landslide, Bagyong Maring, flashflood, laguna, landslide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.