Mga dam, patuloy na binabantayan dahil sa patuloy na pag-ulan
Bunsod ng patuloy na pag-ulan dahil sa pananalasa ng Bagyong Maring ay binabantayan ngayon ang pagtaas ng lebel ng mga tubig sa mga dam sa Luzon.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Edgar Dela Cruz ng PAGASA Hydrometeorological Division, kanilang binabantayan ang ng Ipo Dam dahil nasa 100.84 meters na ito bandang alas dos ng hapon mula sa 101.04 meters na sukat nito kaninang umaga.
Ayon kay Dela Cruz, hindi ganun kalakas ang buhos ng ulan sa area ng Bulacan na siyang nakakasakop sa dam kaya hindi gaanong tumataas ang lebel ng tubig dito.
Kaugnay nito, patuloy na binabantayan pa rin ang nasabing dam.
Patuloy ring binabantayan ang La Mesa Dam na matatagpuan sa Quezon City dahil nasa 79.64 meters na ang sukat nito kung saan ang spilling level ay nasa 80.15 meters.
Aniya ang concentration ng ulan ay nasa katimugang bahagi ng Luzon kaya hindi masayadong nakakaranas ng ulan ang naturang dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.