Pagbuo ng bagong security stratery sa Mindanao, hiniling ng isang mambabatas sa DND at PNP
Hinimok ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na bumuo ng bagong security strategy ang Department of National Defense at Philippine National Police sa Mindanao.
Ayon sa mambabatas, hindi makakaya ng bansa kung maulit ang Marawi City crisis at Zamboanga City siege saanmang lunsgod sa bansa.
Suportado din ni Pimentel ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdagdag ng 20,000 bagong sundalo para palakasin ang pwersa ng pamahalaan.
Giit pa nito, hindi dapat basta-basta binabago ang deployment at ililipat ng assignment ang mga sundalo dahil pinagsasamantalahan aniya ng mga rebeldeng grupo ang nasabing kakulangan.
Aniya pa, kailangan ng karagdagang puhunan para tuluyang maprotektahan ang seguridad sa Mindanao at matuloy ang mga ikakasang infrastructure projects sa rehiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.