6.3 milyong residente sa Florida, pinalilikas dahil sa Hurricane Irma
Ipinag-utos ang paglilikas sa aabot sa 6.3 million na mga residente ng Florida sa United States.
Ito’y bunsod ng inaasahang matinding pinsala na idudulot ng papalapit na Hurricane Irma sa bansa.
Una nang inanunsiyo ng ilang state officials na nasa 5.6 million na indibiduwal ang isinailalim sa evacuation.
Dahil dito, karagdagang 700,000 na residente ang pinalilikas sa kani-kanilang mga tirahan para makaiwas sa Hurricane Irma.
Simula pa kagabi ay nagsimula nang bayuhin ng buntot ng Hurricane Irma ang Florida.
Kahit pa ibinaba na sa Category 3 ang bagyo, malaki pa rin ang posibilidad na magdala ito ng malalakas na hangin, matinding pag-ulan at nakamamatay na storm surge.
Nabatid na aabot sa 20.6 million ang populasyon ng Florida.
Kaugnay nito, pinaghahanda para sa paglilikas ni Florida Governor Rick Scott ang lahat ng residente sa Florida.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.