Mga pulis na naka-assign sa ASEAN Summit, hindi maaaring gamitin ang kanilang mga cellphones habang nasa duty

By Justinne Punsalang September 10, 2017 - 04:36 AM

Hindi maaaring gamitin ng mga pulis na naka-assign na magbantay sa 31st Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit sa Nobyembre ang kanilang mga cellphone habang sila ay naka-duty.

Ayon kay ASEAN Security Task Force Commander Director Napoleon Taas, napagdeisisyunan nilang ipagbawal ang paggamit ng cellphone at iba pang mga gadget dahil pawang mga distraction ang mga ito sa trabaho ng kapulisan.

Ayon pa kay Taas, para masigurado ang maximum compliance ay ipagbabawal nila ang pagdadala ng cellphone ng mga pulis habang sine-secure ang mga ASEAN delegate, security venue, maging ang mga daanan ng mga delegado.

Dagdag pa ni Taas, ang naturang pagbabawal ay bunsod ng pagkakahuli sa ilang mga miyebro ng kapulisan na ginagamit ang kani-kanilang mga cellphone bagaman ipinag-utos na hindi ito maaari habang sila ay nasa duty.

Nilinaw naman ni Taas na pwedeng gamitin ng mga pulis ang kanilang mga mobile phone kung ang mga ito ay kasalukuyang nasa break o kung mayroon silang kailangang agarang i-report sa kanilang mga commander.

 

TAGS: Asean, ASEAN Summit 2017, PNP, Asean, ASEAN Summit 2017, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.