Gilas, 2nd place sa 2015 Jones Cup

By Chona Yu September 06, 2015 - 05:02 PM

 

Mula sa sports.inquirer.net

Panalo ang Gilas Pilipinas kontra sa Chinese Taipei B-Squad sa 37th William Jones Cup na ginaganap sa Taiwan.

Naipako ng Gilas ang iskor sa 97 kontra sa Chinese Taipei na nakapagtala lamang ng 67 na puntos.

Dahil dito, nasungkit ng Gilas Pilipinas ang silver medal kung saan gaganapin ang awarding mamayang gabi.

Tinapos ng Gilas ang torneo sa record na anim na panalo at dalawang talo.

Itinanghal naman bilang champion ang Iran na nakapagtala ng pitong panalo at isang talo lamang.

Ito ang kauna-unahang silver medal finish ng Pilipinas  sa kompetisyon na maidaragdag sa apat na bronze at tatlong bronze medal sa nakaraang mga taon.

Huling nanalo ng gold sa Jones Cup ang Pilipinas noong 2012.

Todo paghahanda na ang gagawin ng Pilipinas para sa nalalapit na FIBA World Cup.

 

TAGS: 2015 jones cup, Gilas Pilipinas, 2015 jones cup, Gilas Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.