26 na ang patay sa magnitude 8.2 na lindol sa Mexico
(4th update) Nakapgtala na ng dalawampu’t anim na nasawi sa Mexico matapos tumama ang magnitude 8.2 na lindol sa Chiapas state.
Ayon kay Oaxaca governor Alejandro Murat, sa kanilang lugar, 20 ang nasawi at 17 dito mula sa bayan ng Juchitan.
Nakapagtala ng dalawang patay sa Tabasco, na ayon kay Tabasco Gov. Arturo Nunez isa rito ay batang nadaganan ng gumuhong pader at ang isa naman ay sanggol na gumagamit ng infant’s ventilator sa ospital at nasawi ito makaraang maputol ang suplay ng kuryente.
Sa San Cristobal de las Casas una na ring napaulat na mayroong tatlong nasawi.
Samantala, nakapagtala na ng tsunami sa Pacific coast ng Mexico matapos ang malakas na lindol.
Ayon sa Pacific Tsunami Warning Center, umabot sa 1 meter o 3.3 feet ang naitalang taas ng alon sa Salina Cruz.
Mas maliliit na tsunami waves naman ang naitala sa iba pang mga lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.