PNP-HPG, handang-handa na sa pagsisimula ng traffic management sa EDSA

By Isa Avendaño-Umali September 06, 2015 - 04:33 PM

 

Inquirer file photo

Handang-handa na ang Highway Patrol Group o HPG ng Philippine National Police sa pagsisimula ng kanilang pag-take-over sa traffic management sa buong EDSA, bukas, araw ng Lunes.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni HPG Chief Supt. General Arnold Gunnacao na makakatuwang ng kanilang hanay ang DPWH, local Government Units, DILG, LTFRB, LTO at MMDA para sa EDSA traffic management.

Ayon kay Gunnacao, nagbigay na ang MMDA ng karagdagang tauhan na ipapakalat sa iba’t ibang choke points sa EDSA.

Kinumpirma rin ni Gunnacao na umakyat na sa 180 ang HPG personnel na ide-deploy, kasama na rito ang mga roving.

Dinagdagan aniya ng HPG ang mga tauhan nila matapos ang ginawa nilang assessment.

Umaasa naman si Gunnacao na sa gagawing mahigpit na implementasyon ng traffic rules at presensya ng mga tropa ng HPG, titino na ang mga pasaway at matitigas ang ulo na mga drayber.

Matatandaang si Pangulong Noynoy Aquino ang mismong nag-utos na mula sa MMDA, ipaubaya na sa HPG ang pagmamando at paghahanap ng solusyonsa grabeng problema sa traffic sa EDSA.

 

 

TAGS: hpg deployment on edsa, pnp highway patrol group, hpg deployment on edsa, pnp highway patrol group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.