Bilang ng nasawi dahil sa Hurricane Irma, umakyat na sa 13

By Rhommel Balasbas September 08, 2017 - 04:25 AM

 

Aabot na sa 13 ang bilang ng casualties dahil sa pananalanta ng Hurricane Irma sa hilagang bahagi ng mga isla sa Carribean.

Ayon kay French President Emmanuel Macron dalawa na ang naitatalang patay sa St. Martin and St. Barts, mga islang teritoryo ng France.

Sa isang panayam naman kay Prime Minister Gaston Browne ng Antigua at Barbuda, kinumpirma nitong hindi bababa sa tatlo ang nasawi sa lugar.

Siyamnapung porsyento ng mga imprastraktura at ari-arian ang sinira ng bagyo sa Barbuda at Antigua ayon kay Browne.

Sinira ni Irma ang kaisa-isang airport ng Barbuda na ayon kay Browne ay mangangailangan ng 100 milyong dolyar para isaayos muli.

Samantala, iniutos na ni US President Donald Trump ang forced evacuation sa Florida at idineklara na rin dito ang state of emergency kabilang ang Puerto Rico at US Virgin Islands.

Inaasahang babayuhin ni Irma ang Florida Sabado ng umaga at magdudulot ng malawakang pagbaha.

Ang Hurricane Irma ang sinasabing pinakamalakas na bagyong tumama sa rehiyon sa loob ng ilang dekada taglay ang hanging aabot sa 295 kilometers per hour bago tumama sa kalupaan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.