6 patay sa Hurricane Irma; 2 pang hurricane nabuo sa Atlantic at Gulf of Mexico
(UPDATE) Anim na ang naitalang nasawi sa paghagupit ng Hurricane Irma na isa sa pinakamalakas na bagyong naitala sa Atlantic.
Binabayo ngayon ng Hurricane Irma ang northern Virgin Islands at patungo sa Puerto Rico makaraang manalasa sa Caribean Islands.
Taglay ng nasabing bagyo ang lakas ng hangin naaabot sa 185 miles per hour at isa pa rin itong Category 5 na storm.
Ayon sa mga opisyal sa Caribbean island, posibleng madagdagan pa ang death toll.
Kasabay ng pananalasa ng bagyong Irma, dalawa pang bagyo ang nabuo bilang ganap na Hurricane.
Sa huling pagtaya ng National Hurricane Center, ang Hurricane Jose ay namataan sa Atlantic at may lakas na 120 kilometers per hour.
Habang isa na ring category one hurricane si Katia na nasa Gulf of Mexico.
Taong 2010 nang huling makapagtala ng tatlong magkakasabay na hurricane sa Atlantic basin.
Hindi naman inaasahang magiging kasinglakas ni Irma ang Hurricane Jose at Katia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.