Mayor Jed Mabilog, hindi pa uuwi; dadalo pa sa summit sa Malaysia

By Kabie Aenlle September 07, 2017 - 04:02 AM

 

Kinumpirma ng tagapagsalita ni Iloilo City Mayor Jed Mabilog na hindi pa uuwi ang alkalde.

Ito’y matapos itanggi ng kaniyang tagapagsalita na si Atty. Mark Piad, na tumungo ang alkalde sa Japan para mag-tago makaraang maging target siya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga banat nito.

Tinukoy kasi ng presidente si Mabilog bilang isa sa mga pulitikong protektor ng mga drug lords.

Unang sinabi ni Piad na Miyerkules sana nakatakdang umuwi si Mabilog mula sa isang forum sa Japan, at na hindi ito nagtatago.

Gayunman, ngayon ay sinabi ni Piad na hindi pa makakauwi si Mabilog dahil pupunta pa ito sa Malaysia para dumalo sa United Urban Environment Accords (UEA) Summit 2017.

Nang makapanayam ng Inquirer si Piad noong Martes, binanggit nito na maaring magtagal pa si Mabilog sa Japan para makipagpulong sa ilang mga potential investors at mga Ilonggo doon, pero hindi niya nabanggit ang pagpunta ni Mabilog sa Malaysia.

Giit ni Piad, Miyerkules na niya nalaman ang tungkol sa nasabing summit.

Ipinakita naman niya sa mga reporters ang kopya ng authority to travel na ibinigay ni Undersecretary for Local Government Austere Panadero ng DILG na may petsang August 17.

Base naman sa website ng nasabing summit, gaganapin ito sa A’Famosa Resort Hotel, Alor Gajah sa Melaka State sa Malaysa.

Ayon din sa program, nakatakdang magsalita si Mabilog bilang isa sa mga speakers para sa “best practices” sa September 8, at tatalakayin niya ang tungkol sa “Iloilo River.”

Pero ayon sa isang source ng Inquirer, umalis na ng bansa ang misis ni Mabilog na si Marivic at ang kanilang dalawang anak dahil sa mga banta sa kanilang seguridad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.