WATCH: 19-anyos na Lumad student, nabaril ng CAFGU sa Davao Del Norte

By Mark Makalalad September 06, 2017 - 10:15 PM

Mariing kinondena ng mga militanteng grupo ang pagpatay sa isang binatilyong Lumad sa Talaingod, Davao Del Norte.

Sa isang pulong balitaan sa Kampuhan ng Lakbayan sa UP Diliman, sinabi ni Eulo Rico Bonganay, lead convenor ng Save our Schools Network na binaril ng Civilian Armed Forces Geographical Unit o CAFGU ang 19-anyos na Lumad student na si Obillo Bay-ao.

Ayon sa ulat, pasado alas-2:30 ng hapon ng Martes nang barilin ng isang CAFGU na nakilalang si Ben Salangani si Bay-ao at matapos ang 8-oras nang pakikibaglaban sa kaniyang buhay ay pumanaw na ito sa Davao Hospital.

Pagigiit naman ni Rius Valle, spokesperson ng grupo, intentional o sinadya ang pagpatay ng CAFGU kay Bay-ao.

Pinaghinalaan daw kasi syang myembro ng New People’s Army ang estudyanteng Lumad.

Narito ang ulat ni Mark Makalalad:

TAGS: Davao Del Norte, Lumad, Talaingod, Davao Del Norte, Lumad, Talaingod

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.