Biyahe ng MRT, nagka-aberya; 1-oras na nagpatupad ng limitadong operasyon
Muli na namang nagkaaberya ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT), Miyerkules ng hapon.
Dahil sa aberya, humaba ang pila ng mga pasahero, lalo na sa North Avenue station.
Hindi kasi muna pinapasok sa istasyon ang mga nakapila.
Sa bahagi ng Quezon Avenue station, dakong alas 12:59 ng tanghali, inanunsyo ng gwardya ng MRT na limitado ang kanilang operasyon at Shaw to Taft at pabalik lamang ang biyahe.
Marami sa mga pasahero ang bumaba na lamang.
Habang ang iba na matyagang naghintay ay inabot ng 45 minuto hanggang isang oras sa pila bago nakapasok sa platform at maibalik sa normal ang serbisyo ng tren.
Sa statement naman ng MRT, alas 12:57 ng tanghali nang ipatupad ang provisional service. Kinailangan kasing alisin ang depektibong tren sa riles.
Naibalik sa normal ang operasyon ala 1:09 ng tanghali.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.