Luxury cars na nagkakahalaga ng P10M nasabat ng Customs
Nasabat ng Bureau of Customs ang dalawang Mercedes Benz at mga parte nito sa Manila International Container Port (MICP).
Ang shipment na nakapangalan sa Juljerjac Trading ay hinarang dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) matapos na hindi ideklara ang tunay nitong laman.
Ayon sa customs, idineklarang parte ng sasakyan ang laman ng shipment pero nang buksan, dalawang 2009 model na Mercedes Benz ang nakita sa loob ng container van.
Hindi naman brand new ang dalawang sasakyan na ang kulay ay itim at puti, pero tinatayang nasa P10 million pa rin ang halaga nito.
Kasama ring nasabat ang mga gulong ng sasakyan.
Galing sa Hong Kong ang nasabing shipment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.