Mga bansang apektado ng egg contamination, aabot na sa 45

By Rhommel Balasbas September 06, 2017 - 04:18 AM

 

Matapos ang pagkalat ng mga itlog na sinasabing iligal na nahaluan ng pesticide na “Fipronil”, aabot na sa 45 bansa ang apektado ng egg contamination scandal ayon sa European Union.

Ayon sa EU, 26 sa kanilang miyembrong bansa ang apektado na, habang 19 na bansa sa labas ng kontinente ang napagdalhan na rin ng kontaminadong itlog.

Ayon kay Health and Food Safety for European Commission OIC Vytenis Andriukaitis, natatanging ang mga bansang Lithuania at Croatia na lang ang hindi apektado ng egg scandal.

Sinabi rin ni Andriukaitis sa media na tutungo ang mga experto sa katapusan ng Setyembre sa mga bansang lubhang apektado ng kontaminasyon para magsagawa ng mga pagsusuri.

Kabilang ang Belgium, The Netherlands, Germany at France sa mga bansang lubhang apektado ng egg scandal.

Ang Fipronil ay isang pesticide na kapag naconsume ng tao nang marami ay lubhang mapanganib sa kalusugan.

Dahil dito, milyon-milyong itlog na sa iba’t ibang bahagi ng Europa ang sinira matapos mapatunayang nagtataglay ng traces ng pesticide.

Hindi naman bababa sa dalawang katao ang nakulong na dahil sa iskandalo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.