Abu Sayyaf, tinangka umanong guluhin ang SEA Games sa Malaysia
Ibinunyag ng Malaysian police na nagtangka umanong salakayin ng Abu Sayyaf group ang closing ceremony ng South East Asian Games noong nakaraang Linggo sa Kuala Lumpur ngunit napigilan nila ito.
Sa pagsisiwalat ng Inspector-General ng Malaysian police, isang hindi kinilalang 25-anyos na Pilipino na kasapi ng bandidong grupo ang kanilang naaresto bago pa man nito naisakatuparan ang pagsalakay.
Target umano sana ng suspek na guluhin ang closing ceremonies ng palaro sa Bukit Jalil National Stadium at ang Independence Day Parade kinabukasan.
Gayunman, napigilan aniya ito nang maaresto ang suspek noong August 30 sa isang raid kasama ang pito pang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf.
Una nang tinukoy ng Malaysian police saisang hiwalay na ulat na isang Abu Sayyaf leader na nagngangalang Hajar Abdul Mubin alyas Abu Asrie ang kanilang nadakip sa isang riad nitong August 30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.