ERC, binigyan ng P1,000 budget ng Kamara

By Erwin Aguilon September 06, 2017 - 04:23 AM

 

Nakakuha lamang ng isanlibong pisong budget ang Energy Regulatory Commission sa Kamara para sa susunod na taon.

Itinulak ni Zamboanga Rep. Celso Lobregat sa plenaryo ng Kamara ang approval ng P1,000.00 na budget na kinatigan naman ni minorya.

Wala namang tumutol sa panukalang budegt ng ERC kaya agad itong naaprubahan.

Ang ERC ay humihingi ng P365M para sa taong 2018.

Sa panayam kay Lobregat sinabi nito na ang kailangan lamang ng ERC ay ayusin ang mga problema ng regulatory body.

Mayroon pa naman anyang panahon ang ERC para mabigyan silang ng karampatang budget.

Sa huli inamin ni Lobregat na utos ni House Speaker Alvarez ang pagbibigay ng P1,000 na budget sa ERC.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.