Impeachment complaints laban kay Sereno posibleng sabay na isalang sa Kamara
Maaring magkasabay ng isalang sa House Justice Committee ang mga nakahaing impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Mindoro Oriental Rep. Rey Umali na siyang pinuno ng komite, sa ngayon hindi pa nai-re-refer sa kanila ang impeachment complaint.
Paliwanag ni Umali, kapag magkasabay na nai-refer ang reklamo sabay na itong didinggin ng kanyang komite.
Kapag napatunayang sufficient in form and substance ang mga reklamo kay Sereno at matukoy na may probable cause ito, consolidated report at article of impeachment ang bubuuin ng justice committee.
Sinabi ng mambabatas na ito ang iaakyat sa plenaryo para pagbotohan kung kailangang tuluyang ma-impeach ng Mababang Kapulungan si Sereno at iakyat sa Senado na tatayong impeachment court.
Nauna nang sinabi ng mga nag-file ng reklamo na maraming mga kongresista ang gusto pang humabol bilang mga taga-endorso ng mga impeachment complaints na inihain laban kay Sereno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.