Mga lugar na nakasailalim sa storm warning signal dahil sa bagyong Kiko, nabawasan na

By Dona Dominguez-Cargullo September 05, 2017 - 11:30 AM

Nabawasan na ang mga lugar na nakasailalim sa public storm warning signal dahil sa tropical depression Kiko.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 350 kilometers east ng Tuguegarao City.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin ng aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong Northwest.

Sa ngayon, tatlong lugar na lang ang nakasailalim sa storm warning signal number 1 kabilang ang Northern Cagayan, Babuyan Group of Island at Batanes.

Ayon sa PAGASA, bukas ng gabi inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.

Magpapaulan pa rin ito sa northern Luzon, kaya ang mga residente ay pinapayuhang maging alerto sa posibleng flashfloods at landslides.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Pagasa, Radyo Inquirer, tropical depression kiko, weather, Pagasa, Radyo Inquirer, tropical depression kiko, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.