Pangulong Duterte tinawag na “biggest lawless element” ni dating CHR commissioner Etta Rosales
Tinawag na “biggest lawless element” ni dating Commission on Human Rights Commissioner Etta Rosales si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pulong balitaan sa Manila Hotel ay tahasang sinabi ni Rosales na labag sa batas ang pakikipag-kompromiso ng pangulo sa mga Marcoses.
Iginiit nito na bagaman maganda ang hangarin na isauli ng mga Marcos ang kanilang mga nakaw na yaman ay dapat nakabatay ito sa batas.
Nandindigan din si Rosales, isa sa mga biktima ng karahasan noong panahon ng martial law, na hindi maaring sa pagitan lamang ng pamilya Marcos at ni Pangulong Duterte manggagaling ang resulta ng pag-uusap kundi kung ano ang nakasaad sa batas na itinatakda nang buuin ang Presidential Commission on Good Government.
Narito ang report ni Ricky Brozas:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.