Pagkamatay ng isa pang teenager sa Caloocan, pinaiimbestigahan na sa NBI

By Mariel Cruz September 04, 2017 - 11:27 AM

Inatasan ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang pagkamatay ng menor de edad na si Carl Angelo Arnaiz na natagpuan ang bangkay sa isang morgue sa Caloocan City.

Sa isang mensahe, sinabi ni Aguirre na nakausap na niya ang director ng NBI para sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa naturang kaso.

Sinabi ni Aguirre na maglalabas siya ngayong araw ng written order para sa NBI.

Napaulat na umalis si Arnaiz sa kanilang bahay sa Cainta gabi ng August 17 kasama ang isang kaibigan.

Narekober ang katawan ni Arnaiz makalipas ang sampung araw sa isang morgue sa Caloocan.

Ayon sa pulisya, napatay si Arnaiz sa isang shootout madaling araw ng August 18 matapos ang umano’y panghoholdap sa isang taxi driver.

 

 

 

 

 

TAGS: Calooca City Police, carl angelo arnaiz, ex UP Student, NBI, PAO, Radyo Inquirer, Calooca City Police, carl angelo arnaiz, ex UP Student, NBI, PAO, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.