Militar sa South Korea nagsagawa na ng live-fire drill kontra NoKor

By Dona Dominguez-Cargullo September 04, 2017 - 07:05 AM

EPA AFP Photo

Matapos ang isinagawang test ng North Korea nitong weekend, nagsagawa naman ng live-fire drill ang South Korean Military.

Bahagi ng drill ang simulation ng pag-atake sa nuclear site ng North Korea.

Gamit ng South Korea sa kanilang drill ang mga fighter jet at surface to surface ballistic missile.

Ayon sa pahayag ng Joint Chiefs of Staff ng South Korea, sa combined exercise ng kanilang Air Force at Army, ginagamit nila ang kanilang Hyunmoo-2A ballistic missile at ang long-range air-to-ground missiles.

Target ng simulation ang Sea of Japan partikular ang bahagi ng Punggye-ri na nuclear test site ng NoKor.

Maitituring umano itong ‘strong warning’ matapos ang ikaanim na nuclear test ng Pyongyang.

Noong Linggo, sinabi ng Pyongyang na naging matagumpay ang kanilang test sa hydrogen bomb na maari nilang gamitin sa kanilang Intercontinental Ballistic Missile.

Samantala, nagbabala naman ng massive military response ang Estados Unidos kontra North Korea.

Matapos ang panibagong nuclear test ng North Korea, agad nagpatawag ng pulong si U.S. President Donalt Trump sa kaniyang national security advisers.

Ayon kay defense secretary Jim Mattis, maaring maglunsad ng massive military reponse ang US bilang tugon sa banta ng NoKor.

Sa monitoring ng US, umabot sa 6.3 magnitude ang naitalang pagyanig malapit sa main testing site ng North Korea.

Naramdaman din ang pagyanig sa China.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: fire drill, missile, north korea, Radyo Inquirer, south korea, fire drill, missile, north korea, Radyo Inquirer, south korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.