Pangulong Duterte, makikipagtulungan sa Indonesia at Malaysia laban sa Maute
Makikipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte kina Indonesian President Joko Widodo at Malaysian Prime Minster Najib Razak upang pag-usapan ang posibleng pagbuo ng isang task force para labanan ang ISIS-inspired na Maute terror group.
Ayon kay Pangulong Duterte, handa rin siya na buksan ang mga borders ng Pilipinas para sa pagpasok ng mga security forces ng dalawang bansa.
Matatandaang nagkasundo ang mga bansa sa Southeast Asia na gumamit ng mga spy planes at drones upang masundan ang galaw ng mga teroristang grupo, kasunod ng pananalakay ng Islamic State sa rehiyon.
Sa ngayon, lagpas na sa anim na raang miyembro na ng teroristang Maute ang napatay sa mahigit isandaang araw na bakbakan sa pagitang ng mga terorista at tropa ng pamahalaan sa Marawi City. Apatnaput limang sibilyan naman at 136 na mga sundalo at pulis ang nasawi sa naturang kaguluhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.