CBCP, hindi magpapatinag sa pagtuligsa sa maling ginagawa ng pamahalaan
Hinimok ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines president at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga kapwa niya pari, madre, at iba pang mga Katoliko na huwag matakot at magpatuloy sa pamamahagi ng salita ng Diyos bagaman tinutuligsa sila ng mga trolls at hostile ang trato ng pamahalaan sa kanila.
Sa homily ni Villegas sa St. John the Evangelist Metropolitan Cathedral, sinabi niya na dapat ay patuloy na naririnig ang boses ng Simbahang Katolika kahit na marami pa ang galit dito.
Aniya, hindi natatapos ang misyon ng mga Katoliko sa loob ng simbahan. Ang tunay na misyon ng bawat isang katoliko ay sa mga kalye, sa mga tindahan, maging sa loob ng mga munisipyo.
Matatandaang vocal ang Simbahang Katolika sa pagtuligsa sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga, lalo na’t napakarami na ng mga kaso ng extrajudicial at summary killings.
Samantala, naglunsad naman ng isang worldwide novena ang isang grupo ng mga Pilipinong Katoliko kasabay ng krisis na nagaganap sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.