Pagpapatayo ng 2 bagong LRT lines at pagpapaganda ng 2 paliparan, inaprubahan ng NEDA

By Kathleen Betina Aenlle September 05, 2015 - 05:23 PM

lrt extension
Inquirer file photo

Inaprubahan na ng National Economic Development Authority (NEDA) ang dalawang bagong Light Rail Transit (LRT) projects at dalawa ring airport development projects sa kanilang board meeting kahapon.

Ayon kay Communications Secretary Herminio “Sonny” Coloma, aprubado na sa Neda ang pagsasagawa ng LRT Line 6 na nagkakahalaga ng P64.71 bilyon. Ito ay tatakbo mula sa LRT Line 1 extension sa Bacoor, dadaan ng Imus at didiretso hanggang Dasmariñas sa Cavite.

Ani Coloma, ang nasabing public-private partnership project ay inaasahang makakabawas sa halos isa’t kalahating oras ng byahe mula sa mga matataong lugar na madadaanan ng bagong linya ng LRT.

Itatayo naman mula sa EDSA Ortigas hanggang Taytay, Rizal ang LRT Line 4 na nagkakahalagang P42.98 bilyon, para mas mapalawig at mapadali ang mass transport system patungong Metro Manila.

Maliban sa dalawang bagong linya ng LRT, inaprubahan din ng Neda ang P3.533 bilyong Naga airport development project na popondohan ng General Appropriations Act.

Sa Clark International Airport naman sa Pampanga, magtatayo ng bagong passenger terminal building kasabay ng pagkakabit ng mga bagong kagamitan at makinarya na nagkakahalagang P15.354 bilyon.

Samantala, kasama rin sa mga inaprubahan ng Neda kahapon ang Access to Sustainable Energy Program ng Department of Energy na susuporta sa mga solar home systems at rural power generation facilities, pati na rin ang technical assistance sa National Electrification Administration at Energy Regulatory Commission.

Ang kabuuang proyekto ay nagkakahalagang P4.891 bilyon. Magbibigay ng P2.82 bilyong pondo ang European Union para dito, at ang maiiwang balanse ay kukuhanin na mula sa pondo ng bansa.

TAGS: Clark International Airport expansion, lrt extension, lrt line 4, lrt line 6, Naga airport development project, neda, Clark International Airport expansion, lrt extension, lrt line 4, lrt line 6, Naga airport development project, neda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.