“Tiwala sa sarili”, susi upang magtagumpay – Lebron James
Sa muling pagbisita ng basketball superstar na si Lebron James sa bansa, ibinahagi nito ang ilang mga sikreto kung bakit siya naging matagumpay sa kanyang larangan.
Sa kanyang private session kasama ang Gilas Pilipinas at ilang myembro ng media, sinabi ni Lebron na upang magtagumpay, kailangan ang tiwala sa sarili at ang pagsasabuhay nito sa paggawa.
Hindi anya hadlang ang mga pagkalito sa mga desisyong gagawin kung mas paiigtingin ang pagtitiwala sa sarili at isasabuhay ito.
Nakatikim man ng pambabatikos dahil sa mga kontrobersyal na desisyon tulad ng paghinto sa kolehiyo kapalit ng NBA at paglipat sa Cleveland mula Miami, pinatunayan pa rin ni Lebron na kaya niyang magtagumpay.
Samantala, nauna na ngang pinasalamatan ng manlalaro ang kanyang Filipino fans sa mainit na pagtanggap ng mga ito sa kanya.
Nakatakda namang lumipad si Lebron ngayong umaga ng Linggo patungong China para ipagpatuloy ang kanyang Strive for Greatness Tour.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.