Davao City VM Paolo Duterte at Atty. Carpio, hindi na kailangang dumalo sa Senado – Malacañang
Hindi na kinakailangang dumalo nina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Manases Carpio sa pagdinig ng Senado ukol sa 6.4 billion-peso shabu shipment mula China na nakalusot sa Bureau of Customs, ayon sa Malacañang.
Ipinahayag ni Presidential spokesperson Ernesto Abella na hindi na kinakailangan pang dumalo sila dahil nilinis na ni Customs Broker Mark Taguba ang mga pangalan ng dalawa mula sa anomalya sa BOC.
Ani Abella, wala nang rasong humarap pa sa pagdinig sina Paolo at Carpio kahit pa handa silang gawin ito.
Sa kabila nito, sinabi ni Abella na igagalang ng Malacañang ang magiging desisyon ng Senado kung iimbitahan man ang dalawa sa pagdinig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.