Bid documents ng Ilocos Norte para sa P26-M na ginastos, hinihinalang peke

By Kabie Aenlle September 01, 2017 - 03:51 AM

Inquirer Photo | Vince Nonato

Walang records ang Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS) ng mga inilabas na bid documents na ginamit para suportahan ang mga ginastos ng pamahalaan ng Ilocos Norte na umabot sa kabuuang P26 milyon noong 2012.

Sa pahayag ni PhilGEPS Executive Director Rosa Maria Clemente sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Kamara, nagduda ang mga mambabatas na posibleng pineke ng mga opisyal ng lalawigan ang mga dokumento.

Ayon kay Clemente, wala silang nakitang records tungkol sa mga transaksyon na may kinalaman sa pagbili ng gamot, fertilizer, sculptures at mga construction services.

Aniya, ang bid invitation mula kay Grace Valdez na inilabas para sa umano’y pagbili ng P5.999 milyong halaga ng gamot at fertilizers, ay may reference number na tumugma sa isang transaksyon ng Tanauan City, Batangas at hindi ng Ilocos Norte.

Si Valdez na tumanggap ng cash advance ay isang miyembro ng bids and awards committee.

Ang mga dokumento naman mula kay Vilmarie Pangted para sa pagbili ng P2.986 milyong marmol na busts, para sa P10.475 milyong halaga ng insecticide mula kay Encarnacion Gaor, at P1.75 milyong halaga naman ng gamot mula kay Noralyn Boque ay may reference numbers na ginamit naman sa mga transaksyon ng Muntinlupa City, Civil Service Commission at Iloilo.

Samantala, wala naman talagang nakitang records ang ahensya para sa lahat ng reference numbers na nakalagay sa bid document para sa umano’y pagbili ng mga materials at precast concrete para sa Paseo de Paoay mula kay Joseph Castro.

Ayon kay Deputy Majority Floor Leader Juan Pablo Bondoc, posibleng ang mga dokumentong ginamit ng Ilocos ay peke, o kaya ay imitations ang mga document numbers na ginamit.

Gayunman, iginiit ni bids and awards committee chair Pedro Agcaoili Jr. na valid ang mga dokumento at na mismong secretariat niya ang gumawa nito na naniguro sa kaniyang na-publish ang mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.