Ex-Sen. Revilla, gustong mag-balik showbiz

By Rhommel Balasbas September 01, 2017 - 03:39 AM

Naniniwala si dating Sen. Bong Revilla na malalampasan niya ang mga kasong isinampa laban sa kanya kaugnay ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) at muli siyang makakabalik sa showbiz.

Ayon sa dating senador, miss na niya ang show business at maaari pa rin naman siyang makapaglingkod kahit wala na sa pulitika.

Nakakulong si Revilla mula June 2014 sa mga kasong plunder at graft na inihain laban sa kanya kaugnay ng PDAF.

Ayon kay Revilla, pinag-aaralan na ng kanyang kampo sa pangunguna ni Solicitor General Estelito Mendoza ang posibleng legal remedies upang makalaya mula sa kanyang detention cell.

Naniniwala anya siya na hindi makatwiran na matagal na siyang nakakulong kahit hindi pa naman napapatunayang “guilty” siya sa mga kaso ng pandarambong.

Iginiit naman ni Mendoza na ang ginawa kay Revilla ay isang “violation of a human right to liberty”.

Maaari anyang maging posibleng “ground” para mapalaya si Revilla ang pagkakaantala ng pagdinig sa plunder case ng dating senador.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.