Tangkang demolisyon sa floodway nauwi sa batuhan

By Den Macaranas, Jan Escosio August 31, 2017 - 04:41 PM

Photo: Radyo Inquirer

Nanindigan si Kadamay Chairman Gloria Arellano na hindi ang kanilang grupo ang dapat sisihin sa naganap na kaguluhan sa Brgy. Sta. Lucia sa Pasig City.

Binigyang-diin ni Arellano na payapang nagsasagawa ng rally ang kanilang grupo nang sila ay lusubin ng mga tauhan ng Pasig City Police Station kaninang tanghali na nauwi sa batuhan at paluan sa magkabilang panig.

Ang tanging hiling lang umano ng kanilang grupo ay makipag usap sa kanila si Pasig City Mayor Bobby Eusebio dahil sa napipintong demolisyon sa bahay ng halos ay 1,000 pamilya sa nasabing lugar malapit sa floodway project ng pamahalaan.

Magugunitang umaga pa lamang ay nagbarikada na ang grupo ng Kadamay sa nasabing lugar kung saan ay naglagay rin sila ng mga kahoy sa gitna ng lansangan.

Ilang beses na tinangka ng mga otoridad na paalisin sa lansangan ang grupo subalit nagmatigas ang mga ito.

Pasado ala-una ng hapon nang sumugod ang mga tauhan ng PNP at Bureau of Fire Protection kung saan ay pilit nilang sinira ang mga barikada at hinuli ang ilang mga nagsasagwa ng kilos-protesta.

Sa puntong ito ay gumanti ang mga miyembro ng Kadamay sa pamamagitan ng pagbato sa mga tauhan ng pamahalaan.

Bukod sa mga bote at bato ay sinasabing gumamit rin ng molotov bomb ang mga Kadamay members.

Sa gitna nang batuhan ay ilang mga menor-de-edad rin ang hinuli ng mga otoridad sa paniniwalaang kasama sila sa mga nambato sa dispersal team.

Tiniyak naman ng Kadamay na patuloy silang tututol sa plano ng pamahalaan na ilipat sila sa mga relocation sites sa Laguna at Batangas dahil masyado umano itong malayo sa kanilang trabaho sa kasalukuyan.

Pasado alas-tres ng hapon ay nabuksan na sa daloy ng trapiko ang bahagi ng service road na maagang inokupahan ng mga kasapi ng Kadamay.

 

<iframe src=”https://www.facebook.com/plugins/video.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fradyoinquirer990%2Fvideos%2F1826151067410229%2F&show_text=0&width=560″ width=”560″ height=”315″ style=”border:none;overflow:hidden” scrolling=”no” frameborder=”0″ allowTransparency=”true” allowFullScreen=”true”></iframe>

TAGS: Kadamay, Pasig City, PNP, relocation, Kadamay, Pasig City, PNP, relocation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.