Pang. Duterte, nakikiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Adha
Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa selebrasyon ng ating mga kapatid Muslim ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Sa isang pahinang mensahe ng presidente, sinabi nitong mahalaga na magkaisa ang lahat sa gitna ng inaasam na tunay at pangmatagalang kapayapaan.
Magsilbi din aniya ang okasyon upang mapasigla ang papel ng bawat isa at magtagumpay laban sa mga tangka ng mga elemento o masasamang loob na ang iniisip ay maghasik ng kaguluhan.
Dagdag ng pangulo na isang magandang pagkakataon ang Feast of Sacrifice para sa mga kapatid nating Muslim upang muling mapagtibay ang kanilang debosyon at pananampalataya sa Islam.
Nauna nang idineklara ni Duterte bilang isang regular holiday ang September 1, 2017 o araw ng Biyernes, bilang pakikibahagi sa obserbasyon sa isa na banal at malaking okasyon ng mga Muslim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.