Sen. Gordon at Sen. Trillanes, nagka-initan sa pagdinig ng senado hinggil sa shabu shipment

By Dona Dominguez-Cargullo, Ruel Perez August 31, 2017 - 11:37 AM

Nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan nina Senators Richard Gordon at Antonio Trillanes IV sa pagpapatuloy ng pagdinig ng senate blue ribbon committee kaugnay sa P6.4 billion shabu shipment na nakalusot sa bansa.

Binantaan pa ni Sen. Godon si Trillanes na ipapa-cite for contempt at sasampahan ito ng ethics complaint.

Sa kasagsagan ng pagdinig, iginigiit ni Trillanes na ipatawag si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Mans Carpio na asawa ni Mayor Sara Duterte base sa mga pahayag ng customs broker na si Mark Taguba hinggil sa tinatawag nilang ‘Davao Group’.

Pero ayon kay Gordon, maituturing na ‘hearsay’ lamang ang pagdadawit sa dalawa kung pagbabasehan ang mga sinabi ni Taguba.

Doon na tinawag na ‘committee de abswelto’ ni Trillanes ang blue ribbon committee na naging dahilan para uminit ang ulo ni Gordon.

Ayon kay Gordon, out of order si Trillanes at ipapa-cite na niya ito for contempt dahil sa pag-aakusa nito sa mga kapwa niya senador.

Sa halip na tumigil, patuloy pa ring nagsalita si Trillanes at sinabihan si Gordon na hindi ito dapat na umaakto na parang ‘one-man committee’ sa pagdinig.

Para mapahupa ang tensyon, hiniling na ni Senator Tito Sotto na suspendihin muna ang sesyon.

Matapos ito ay lumabas muna si Trillanes pero sinabing babalik din siya agad sa pagdinig.

Bago ito, nagpasaring na si Trillanes na mistulang may mga senador na nag-aabugado kina Vice Mayor Duterte at Atty. Carpio.

Pero agad itong inalmahan ni Sotto.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: customs, Radyo Inquirer, Senate, shabu shipment, customs, Radyo Inquirer, Senate, shabu shipment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.