Davao Coun. Small Abellera, humarap sa pagdinig ng Senado kaugnay sa shabu shipment

By Ruel Perez August 31, 2017 - 11:15 AM

Kuha ni Ruel Perez

Umarangkada ang ika-anim nang pagdinig ng senate blue ribbon committee ng senado hinggil sa nakapuslit na P6.4 billion na shabu shipment.

Present sa hearing si Davao Councilor Nilo Small Abellera na iniuugnay sa Davao group at malapit na kaibigan umano ni presidential son at Vice Mayor Paolo Duterte.

Si Resigned Customs Commissioner Nicanor Faeldon naman ay no show sa pagdinig.

Ayon kay Atty. Mandy Anderson na kaniyang chief of staff, hindi nakatanggap ng subpoena si Faeldon mula sa senado.

Dahil dito, inatasan ng komite si Anderson na tawagan sa telepono si Faeldon.

Hindi rin nakadalo si Ruben Taguba, ang ama ni Mark Taguba dahil sa iniindang hypertension.

Sa unang bahagi ng pagtatanong, pinatukoy ni Sen. Antonio Trillanes IV, si Abellera kay Mark Taguba na umano ay nakausap nito sa isang ‘resto bar’ sa Davao upang makipag-arrange ng meeting kay Vice Mayor Duterte.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Nicanor Faeldon, Nilo Small Abellera, Senate, senate blue ribbon committee, shabu shipment, Nicanor Faeldon, Nilo Small Abellera, Senate, senate blue ribbon committee, shabu shipment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.