WATCH: Pagsasauli ng yaman, pinag-uusapan pa ng pamilya ayon kay Gov. Imee Marcos

By Dona Dominguez-Cargullo August 31, 2017 - 10:22 AM

Inquirer Photo | Vince Nonato

Pinag-uusapan pa ng pamilya Marcos ang isyu hinggil sa pagbabalik umano nila ng mga sinasabing ‘nakaw na yaman’.

Ayon kay Ilocos Norte Governor Imee Marcos, tinatalakay pa ng kanilang pamilya ang isyu, at nag-uusap-usap din ang kanilang mga abogado.

Sa isyu naman ng umano ay 7,000 tons ng ginto na itinatago umano ng kanilang pamilya, sinabi ng gobernadora na hindi niya alam ang tungkol dito.

Mas mabuti aniyang ang mga abogado ang tanungin kaugnay sa usapin.

Sinabi ni Gov. Marcos na umaasa sila at nagtitiwala kay Pangulong Rodrigo Duterte na matutuldukan na nito ang deka-dekada nang kaso.

Si Marcos ay nasa Kamara ngayong araw para dumalo sa pagdinig hinggil sa umano ay maling paggamit sa tobacco excise tax ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte.

 

 

 

 

 

 

TAGS: ill gotten wealth, Imee Marcos, Radyo Inquirer, ill gotten wealth, Imee Marcos, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.