Aguirre, suportado ang plano ni Pangulong Duterte sa pagbuo ng Anti-Graft Commission

By Rod Lagusad August 31, 2017 - 03:29 AM

Suportado ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbuo ng Anti-Graft Commission.

Kung kukunsultahin aniya siya ay kanyang isa-suggest kay Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad na maging viable alternative ang Presidential Commission on Good Government o PCGG.

Ito ay dahil ang PCGG ay nasa ilalim na ng Office of the President na bahagi ng Executive Branch.

Kaugnay nito maaring magtalaga ng regular na Chairperson at dalawa pang PCGG commissioner na siyang kukumpleto sa limang commissioners.

Maaring magtalaga ng isang commssioner na siyang hahawak sa kaso ng mga korporasyon ng mga appointees habang ang isa naman ay siyang hahawak sa mga kaso ng mga Marcos.

Ayon kay Aguirre anuman ang maging desisyon ng pangulo ay kaniya itong susuportahan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.