Pagsauli ng Pamilya Marcos sa mga tagong yaman, makaapekto sa kaso ng gobyerno
Posibleng makaapekto sa mga kaso ng gobyerno laban sa pamilya Marcos ang pasasauli nito ng nakaw na yaman, kabilang ang malaking deposito ng salapit at gold bars, ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.
Gayunman, hindi tinukoy ng Kalihim kung sa anong paraan ito makaapekto. Sinabi ni Aguirre na nakasalalay sa gobyerno kung paano makaapekto sa mga kaso ang pagsasauli ng mga nakaw na yaman ng Pamilya Marcos.
Aniya, sa kanyang pagkakaalam ay ang isasauli ng Pamilya Marcos ay ang mga nadiskubreng nakaw na yaman lang.
Tumanggi naman si Aguirre na magbigay ng iba pang komento ukol sa usapin dahil malabo pa aniya ang impormasyon.
Isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang kinatawan umano ng Pamilya Marcos ang kanyang nakausap at ipinahayag ang intensyong ibalik ang bahagi ng tagong yaman sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.