Espenido itinalaga na bilang OIC ng Iloilo City Police Office

By Chona Yu August 30, 2017 - 12:59 PM

Inquirer Photo | Nestor Corrales

Itinalaga na ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. General Ronald Dela Rosa si Police Chief Inspector Jovie Espenido bilang officer in charge ng Iloilo City Police Office.

Paliwanag ni Dela Rosa, OIC na muna ang designation ni Espenido dahil para sa isang highly urbanized area kagaya ng Iloilo ay kinakailangan na senior superintendent ang ranggo ng mamumuno.

Ayon kay Dela Rosa, kahapon niya nilagdaan ang kautusan kay Espenido.

Sa kabila ng nilagdaang kautusan aminado si Dela Rosa na nag-aalangan pa rin siyang ilipat si Espenido sa Iloilo mula sa Ozamiz City Police.

Paliwanag ni Dela Rosa, tumututol kasi ang mga residente sa Ozamiz na alisin si Espenido dahil hindi pa tapos ang problema sa ilegal na droga sa lugar.

Sinabi pa ni Dela Rosa na kung siya lamang ang masusunod mas nanaiisin niyang manaitili si Espenido sa Ozamiz.

Pero dahil sa presidential order at mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-assign kay Espenido sa Iloilo ay wala siyang magagawa kundi ang tumalima.

 

 

 

 

TAGS: Iloilo City police, Jovie Espenido, Radyo Inquirer, Iloilo City police, Jovie Espenido, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.