Limitado lang ang pwedeng tanggapin sa alok na tulong ng Australia ayon sa Malakanyang
Welcome sa Malakanyang ang alok ng Australia na sanayin ang mga tropa ng Armed Forces of the Philippines o AFP upang malabanan ang paghahasik ng terorismo.
Sa isang statement, ipinunto ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na hindi lamang ang Pilipinas ang may kinahakarap na suliranin ng terorismo, kundi ang iba pang mga bansa sa buong mundo.
Ani Abella, may mga pagkakataon na naghayag ang Palasyo ng kahandaang tumanggap ng assistance o tulong kung may alok ang mga kaalyadong bansa.
Gayunman, iginiit ng Palace spokesman na ang mga ayudang maaaring tanggapin ang ating pamahalaan ay limitado lamang sa technical matters, training, information gathering and sharing.
Ayon kay Abella, walang anumang ground works na tatanggapin ang gobyerno, alinsunod na rin sa batas na nagbabawal sa direktang pakikibahagi o partisipasyon ng mga dayuhang sundalo sa combat operations.
Sa naunang pahayag ng Australian, sinabi nito na handa ang kanilang bansa na suportahan ang Pilipinas kontra sa Islamic militants.
Nagdeploy na ang Australian na aircraft para tumulong sa surveillance, at bukas pa raw na maglagak ng iba pang assistance.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.