Journalist at dating tagapagsalita ng SSS, kabilang sa nasawi sa stabbing incident sa Pasay
Kabilang ang isang mamamahayag sa nasawi sa insidente ng pag-aamok at pananaksak ng isang lalaki sa condominium building sa Pasay City.
Ang biktimang si Joel Palacios – 70 anyos ay kolumnista, editor, dating reporter at dati ring tagapagsalita ng Social Security System (SSS).
Bumuhos naman ang pakikiramay kay Palacios sa social media.
Sa kaniyang post sa Facebook, sinabi ni Undersecretary Joel Sy Egco ng Presidential Task Force on Media, kinakailangan ng tulong at panalangin ng misis ni Palacios matapos ang insidente.
Ang mga dati namang nakasama sa pamamahayag ni Palacios at ay nagpaabot rin ng pakikiramay.
Maliban kay Palacios, apat pa ang nasawi sa insidente na sina Emelyn Sagun – 30 anyos, Ligaya Dimaplis – 36 anyos, Letecia Ecsiagan at isang 12 anyos na batang babae na si Daisery Castillo.
Nasawi din ang suspek na si Alberto Garan na bigla na lang nagwala at nanaksak matapos makaaway ang kasintahang si Sagun sa Central Park Condominium.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.